thousands of flowers just for you

Shayla

Caleena's mom

1 of 6

Last written · 07/24/2026

Eto ako, mukhang ewan. Patuloy na sumusulat kahit walang kasiguraduhan kung mababasa mo nga ba to o hindi. Pero kahit na ganon, gusto kong malaman mo na minahal kita ng totoo. Kahit alam kong nagfollow ka ulit sa "kaniya", patuloy pa din kitang minamahal. Alam kong marami akong pagkukulang, maraming pagkakamali, at maraming nagawa na hindi na mabubura ng kahit anong bulaklak o kahit ilang "sorry" man. Siguro ibang tao na lang ang makakabura, hindi na ako.

Hindi ko alam kung may maririnig pa ako mula sayo pagkatapos ng sulat na ito, o kung wala na talaga akong mababasang kahit isang mensahe mula sa'yo. At kung mabasa mo man ito ilang araw, linggo, o buwan matapos kong isulat, gusto kong malaman mo na mahal kita. Mahal na mahal kita, at humihingi ako ng tawad. Kung bibigyan ako ng pagkakataon ng panahon para itama ang lahat, gagawin ko—dahil sobrang mahal kita. Pasensya na sa lahat ng naparamdam ko, sa mga salitang hindi ko na mababawi, sa mga pagkakataong nagawa ko ang mga bagay na hindi mo deserve. I'm sorry. Umaasa ako na kung hindi man ngayon, dadating din ang araw na mapatawad mo ako sa wakas.

Huli man ang lahat, at kung talagang decided ka na kaya hindi na ako makakarinig ng kahit ano mula sa'yo, gusto kong malaman mo na naiintindihan ko. Mahal kita. At tulad ng sinabi ko nung huli tayong nagkausap, kahit hindi mo pa nasasabi, pinapatawad na kita. Binibitawan ko na lahat ng mga nangyari at mga nasabi mong siguro hindi mo naman sadya dahil sa galit. Pinapatawad na kita, Bambam ko. Sobrang mahal na mahal na mahal kita, at aasa ako hangga't kaya ko. Mag hihintay ako Kahit gaano katagal..

Mahal kita, at gusto kong malaman mo na andito lang ako, patuloy na maghihintay sayo. Maghihintay na bumalik ka, kung kailan mo gustuhin na ako ang makasama mo hanggang dulo.

Wala akong ibang hiling kundi sana mabasa mo to, dahil kung hindi mo man mabasa o sagutin, at kung ayaw mo na talaga, ito na ang pinaka huling beses kong sasabihin. Na kung hindi ka sumagot o hindi ang magiging sagot mo, huling beses ko ng itatanong.

Sa halos dalawang taon, hindi man halata, ikaw ang mundo ko, Shayla. Kahit sa gitna ng sobrang gulo, ikaw ang hangin ko sa lahat. Kahit sobrang hindi okay, ikaw at ikaw lang gusto kong takbuhan at kakwentohan tungkol sa lahat. Wala akong nakitang ibang babae sa bawat araw ko kundi ikaw lang, Shayla.

Ayusin na natin, Bambam ko. Ayusin na natin, Shayla. Ayusin na natin at pakasalan mo ako. Marry me. Will you please marry me and be my Bambam again for the rest of our lives?

I miss you, and I love you. Mag hihintay ako sa sagot mo, hmm? I-message ako ng bambam ako... Aasa akong oo pa din ang sagot mo... sobrang mahal na mahal kita.

— Leah